January 12, 2023: Nagdaos ng klase sa LGU Sampaloc, Quezon Tech4Ed Center ang mga mag aaral ng Alternative Learning System sa pamamahala ni Gng.Grezalyn T. Lorenciana . Ito ay nagsimula noong Nov.18 Hanggang Dec15, 2022, layunin nitong mapaunlad ang kanilang kaalaman at madagdagan ang kasanayan sa Information and Communications Technology (ICT) at makasunod sa kurikulum ng ALS 2.0, hinggil sa bagong aralin nito sa Learning Strand 6 o Digital Citizenship. Ibinahagi ni Sir Adrian A. Jandusay, Municipal Tech4Ed Center Manager ang mga rules at regulations sa paggamit ng tanggapan kasunod nito tinalakay din niya ang iba't ibang bahagi ng computer, wastong paggamit at ang kahalagahan nito. Tinalakay naman ni Sir Eugene Czar Ladines, Tech4Ed Staff ang paggamit ng Microsoft Office.
Naging makabuluhan ang bawat araw, lalo pa at nakagagamit ng computer ang mga mag-aaral ng ALS upang sila ay maging digital literate at makasabay sa daloy ng makabagong teknolohiya sa ngayon. Lubos na nagpapasalamat sa ating Lokal na pamahalaan sa pamumuno ng ating butihing Mayor Gelo T. Devanadera ang mga mag-aaral na nagsipagtapos sa araw na ito (Enero 12, 2023), dahil bukas ang ating LGU sa pagtulong sa larangan ng edukasyon. Edukasyon na walang pinipiling edad o estado sa buhay.