January 3-20 2023: Isasagawa ang "Business One-Stop-Shop" (BOSS) sa lobby ng ating munisipyo. Ito ay ang pagkuha ng Mayor's Permit at pagbabayad ng kaukulang lisensya ayon sa Revised Municipal Revenue Code of 2021. Hinihimok ang lahat ng may mga negosyo o tricycle na mag-renew ng mga Permit bago sumapit ang January 20, 2023, upang maiwasan na mapatawan ng penalty. Kasama narin dito ang mga nagnanais o bago palang magtatayo ng negosyo. Nararapat na mauna ang pagkuha ng permit bago simulan ang isang negosyong inyong ninanais, at upang maiwasan rin ang magkaroon ng aberya
sa inyong magigiging negosyo. May itinakda pong petsa para sa bawat Barangay, upang maiwasan ang pagdagsa ng maraming tao. Maraming Salamat po.

Ang Eskedyul po ay ang mga Sumusunod:
January 3-5, 2023 (Martes, Miyerkules, Huwebes) - Barangay San Roque
January 6, 2023 (Biyernes) Para sa mga Tricycle
January 9, 2023 (Lunes) - Barangay Bayongon
January 10-12, 2023 (Martes, Miyerkules, Huwebes) - Barangay San Isidro
January 13, 2023 (Biyernes) Para sa mga Tricycle
January 16, 2023 (Lunes) - Brgy. Ila. Owain at Brgy. Iba. Owain
January 17, 2023 (Martes) - Brgy. Bilucao, Brgy. Banot, Brgy. San Bueno,
Brgy. Alupay, Brgy. Caldong, Brgy. Mamala
January 18, 2023 (Miyerkules) - Brgy. Apasan, Brgy. Bataan, at Brgy. Taquico
January 19-20, 2023 (Huwebes at Biyernes) Para sa mga Tricycle