December 20, 2022: Isinagawa sa araw na ito ang Cash for Work Program for Persons with Disabilities sa pangunguna ng MSWDO sa pamumuno ni Ma'am Amelina Gariguez at sa supporta ng ating Lokal na Pamahalaan sa pamumuno ng ating butihing Mayor Gelo T. Devanadera. Nagkaroon ng ngiti sa kanilang mga labi dahil sa kanilang biyayang natanggap. Malaking tulong ito para sa kanila lalo na sa nalalapit na Kapaskuhan, kaya lubos ang kanilang pasasalamat.