December 13, 2022: Isinagawa ang GAD-Based Health & Wellness Year-End Evaluation 2022 kasama ang Sampaloc Zumbawers na sinuportahan ng ating butihing Mayor Noel Angelo T. Devanadera, Vice Bunay D. Villeno, SB Members, MGFPS Execom and KUMARI. Bilang kinatawan ng ating mahal na Mayor ay dumalo sa araw na ito ang ating Municipal Administrator Sir Andrew Anareta. Kabilang sa nakiisa, ang mga Heads ng bawat departamento ng ating LGU. Nagpahatid rin ng mahalagang mensahe ang ating KUMARI Chairperson Mayora Joy Dizon Devanadera sa pamamagitan ng ating GAD Focal Person Ma'am Annalyn Nantes. Ang Sampaloc Zumbawers ay bukas para sa mga gustong lumahok sa ganitong programa sa larangan ng pangkalusugan at ninanais pa ng kanilang samahan na mas dumami pa ang sumali at makiisa sa kanila.