December 01, 2022: Damang-dama na ang Kapaskuhan dito sa ating bayan sa ginanap na Switch-ON 2022, na isinagawa sa ating Municipal Park na dinaluhan ng ating mga kababayan. Sa kabila ng maulang panahon ay hindi sila nagpatinag upang masaksihan ang simple ngunit makahulugang kaganapang ito. Ito ay patunay ng pagkakaisa ng bawat mamamayan dito sa ating bayan kasama ang ating Lokal na pamahalaan sa pamumuno ng ating minamahal na Mayor Gelo T. Devanadera. Ang bawat pailaw at mga parol ay simbolo ng pagiging matatag natin, dahil sa minsang pagdilim ng ating paligid, ay hindi tayo
sumuko na magpatuloy upang matagpuan parin natin ang liwanag at ipagpatuloy ang ating pamumuhay. Lubos rin ang ating pasasalamat sa ating Gov. Dra. Helen Tan sa pagbati at pagbibigay ng mga munting aginaldo para sa ating mga kababayang nakiisa sa gabing ito.