November 8, 2022: Nagsagawa ng pagpupulong ang mga Punong Barangay, Rescue Volunteers at MDRRMC sa pangunguna ng ating butihing Punumbayan Gelo T. Devanadera upang palakasin at gawing mas epektibo ang mga pagresponde ng mga barangay at first responders sa ating bayan. Tinalakay ng ating punumbayan sa pagpupulong ang pagbibigay ng kasanayan sa ating mga barangay officials at mga rescue volunteers ng mga dapat gawin sa panahon ng kalamidad at pagtuturo ng pang-unang lunas sa mga hindi inaasahang pangyayari. Isa rin sa mga mungkahi at napagkasunduan ay ang paglalagay ng 24/7 Hot Line sa lahat ng barangay upang mas mapabilis ang responde ng mga miyembro ng emergency response team.