November 9, 2022: Pinangunahan ng ating masipag na Punongbayan Gelo T. Devanadera, Vice-Mayor Teresita D. Villeno at SB Members ang Distribution of Medical & Burial Assistance at ang Assistance distribution para sa mga AICS beneficiary. Malaking pasasalamat sa ating Gov. Dra. Helen Tan para sa pagbibigay ng ganitong tulong para sa ating mga kababayan. Kasama rin natin sa araw na ito ang Provincial Social Welfare and Development Office at ang Provincial Government Satellite Office Staffs ng Sampaloc na isa sa mga masigasig upang maisagawa ng may kaayusan ang programang ito.