November 9, 2022: Kasama sa pagdiriwang ng 30th National Children's Month ang pagkakaroon ng Dental Health Care Seminar sa araw na ito, na dinaluhan ng mga magulang kasama ang kanilang mga anak na nag-aaral sa Day Care Center. Nakiisa ang ating mahal na Mayor Gelo T. Devanadera kasama si Vice-Mayor Teresita D. Villeno at Sangguniang Bayan Members sa programang ito. Nagsilbing panauhing tagapagsalita sa araw na ito ang batang-batang dentista dito sa ating bayan na si Dra. Regine Escanilla-Salayo. Malaking karangalan para sa ating bayan na magkaroon tayo ng mga dentista na talagang anak ng Sampaloc, na handang magbigay serbisyo sa kanyang mga kababayan upang hindi na natin kailanganin pang magbyahe upang magpa Dental check-up. Sa seminar na ito ay ipinaliwanag at
itinuro niya ang kahalagahan ng paglilinis at pagkakaroon ng malinis ng ngipin. Malaking tulong ito sa mga magulang na dumalo upang habang bata pa ang kanilang mga anak ay maipamulat sa kanila ang kagandahan ng may malinis na ngipin at kung paano ang wastong paglilinis ng mga ito.

Naging matagumpay ang programang ito sa pagtutulungan ng MSWDO sa pamumuno ni Ma'am Mylene Gariguez, Child Development Workers, SK Officials sa pamumuno ni Sir Cymon Lorenz Roldan at sa lahat ng kawani ng bawat Baranggay dito sa ating bayan. Tumanggap ang bawat isang bata ng dental hygiene kit. Ito ay mula sa ating mga SK Officials. Lubos na pasasalamat sa lahat ng naging bahagi ng Programang ito.