November 10, 2022: Isinagawa ang isang Forum tungkol sa "Understanding Parent & Child Relationship Amidst Technological Advancement & Development". Bahigi rin ito sa pagdiriwang ng 30th National Children's Month. Nakiisa ang ating mahal na Mayor Gelo T. Devanadera. kasama si Vice-Mayor Teresita D. Villeno at Sangguniang Bayan Members sa programang ito. Naging maayos ang daloy ng programang ito dahil sa pagtutulungan ng MSWDO sa pamumuno ni Ma'am Mylene Gariguez, Child Development Workers, SK Officials sa pamumuno ni Sir Cymon Lorenz Roldan at sa lahat ng kawani ng bawat Baranggay dito sa ating bayan. Malaking pasasalamat sa mga nagsilbing panauhing tagapagsalita sa araw na ito na sina Ma'am Flordelisa N. Escultura, Department Head of Bachelor of Science in Social Work Dalubhasaan ng Lungsod ng Lucena at Sir Anthony C. Villarosa EduChild Head. Lubos na pasasalamat rin sa pamunuan ng MS Enverga Academy Foundation Inc. - Sampaloc, Quezon, at Adela S. Torres National High School sa pakikiisa ng kanilang mga estudyante at mga guro.

Ang Forum na ito ay tungkol sa Pag-unawa sa Relasyon ng Magulang at Anak sa gitna ng Pag-unlad ng Teknolohikal. Isa sa mahalagang tinalakay dito ang kahalagahan ng pagiging malapit ng isang anak sa kanyang magulang mula pagkabata maging hanggang sa paglaki nito. Ipinapahiwatig rin dito na mahalaga rin kung ang isang magulang ay hindi lamang maging isang magulang sa kanyang anak bagkos ay magsilbi rin syang kaibigan o barkada, ng sa ganon ay maiiwasan ang paglilihim ng isang anak sa kanyang magulang. Sa ganitong paraan ay magiging magaan para sa isang anak ang makapag-share sa kanyang mga magulang ng mga bagay-bagay na nangyayari sa kanyang buhay at maiwasan ang pagkakaroon ng problema ng isang bata na pwedeng ilihim sa kanyang magulang.