September 14, 2022: Nagkaroon ng pagpupulong ang Local Health Board kaninang umaga sa pangunguna ng ating butihing Mayor Gelo T. Devanadera. Pangunahing tinalakay ng ating punumbayan kung paano magiging mas epektibo ang debolusyon ng mga serbisyong pangkalusugan sa ating bayan. Ang paglilipat ng mga pangkalusugan responsibilidad sa ating lokal na pamahalaan at mga kaakibat nitong mga tungkulin.