September 5, 2022: Isinagawa sa unang araw ang Training/Workshop On Basic Hair Care sa pangunguna ng Chairperson ng mga Kababaihan dito sa ating bayan na si Mayora Joy Dizon Devanadera, kasama ang MGFPS Focal Person Ma'am Annalyn Nantes at mga staff nito. Dumalo rin sa araw na ito upang sumuporta ang ating mahal na Mayor Gelo T. Devanadera at buong SB Member. Ito ay isang livelihood project upang maging hakbang panimula para sa mga kababaihang Sampalukin na gawin itong hanapbuhay. Anim na araw ang itatagal ng workshop na ito at siguradong marami silang matututunan dahil aktuwal ang pag gawa ng bawat isa. Magaling rin ang ating nagsilbing trainor na si Sir John Santader, kaya lubos ang ating pasasalamat sa kanya, dahil sa unang araw palang ay naging interesado na agad ang kanyang mga trainee dahil da kanyang angking galing at detalyadong pagtuturo. Malaking pasasalamat rin kay Ma'am Lorna Mirandilla Oblena para sa mga donation na gagamitin sa training na ito. Hangad ng ating masipag na Punongbayan na lahat ng matututunan sa workshop na ito ay gawing daan na maging hanapbuhay, upang hindi rin masayang ang ginugol na panahon at pagod ng mga lumahok sa training na ito.