September 8, 2022: Umuwi ng may ngiti sa mga labi ang maraming bata at mga magulangin sa araw na ito, dahil sa isinagawang Distribution of School Supplies na pinangunahan ng ating masipag na Punongbayan Gelo T. Devanadera, kasama ang ating Vice Mayor Teresita Villeno, Sangguniang Bayan Members at PSDS Liliosa B. Diasanta. Kabilang ang mga batang mag-aaral ng Ses 1, Ses 2, Alupay, Banot, Bilucao, Apasan at PASDA ang nahandugan ng mga gamit pang eskwela. Kasama rin sa araw na ito ang mga Guro ng bawat estudyante upang magbigay suporta sa kanilang mag-aaral. Lubos na nagpapasasalamat ang ating Lokal na Pamahlaan sa Accenture, Inc. sa kanilang ibinigay na tulong pang eskwela para sa mga batang mag-aaral ng Sampaloc. Hangad po namin na mas marami pa kayong matulungan.