September 1, 2022: Isinagawa ang "Munisipyo sa Barangay" sa Barangay Caldong, sa pangunguna ng ating masipag na Punongbayan Gelo T. Devanadera kasama ang Sangguniang Bayan Members. Ito ay ang paghahatid serbisyo mismo sa inyong barangay upang hindi na kayo kailangan pang magtungo sa ating munisipyo. Kabilang ang ahensya ng Civil Registry Office sa pamumuno ni Ma'am Carmencita Abejar, para sa Pagpapatala ng Kapanganakan, Assessor's Office sa pamumuno ni Ma'am Azenith Galiza, para sa Pagtutuos ng Amilyar at Pag-uusisa tungkol sa ari-arian, Treasurer's Office sa pamumuno ni Ma'am Connie Salvatus para sa Pagbabayad ng Amilyar at Municipal Mayor's Office na pinangunahan ni Ma'am Nerissa Villaverde para naman sa pagbibigay ng Business Permit at sa mga iba pang alalahanin tungkol dito. Maaari rin kayong sumangguni sa ano mang mga katanungan na nais ninyong magkaroon ng malinaw na kasagutan at maipaliwang sa inyo ng maayos. Nakiisa rin sa programang ito ang ating Sampaloc BFP at Sampaloc PNP para sa kanilang mga serbisyong ibinibigay kagaya ng Police Clearance, nagbigay rin sila ng libreng gupit sa mga nagnanais na magpagupit ng buhok. Namigay rin ng mga pananim na gulay sa lahat ng dumalo sa pagpupulong na ito. Ang lahat po ng Barangay dito sa atin ay pupuntahan ng "Munisipyo sa Barangay."