August 18, 2022: Nagkaroon ng pagpupulong ang NASA (Neighborhood Association for Shelter Assistance) na pinangunahan ni Coun. Elynor D. Puebla (Committee on Social Welfare and Community Development) at Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO). Isinagawa rin ang Eleksyon ng kanilang asosasyon para sa kanilang mga bagong uupong opisyales. Isa sa hangarin ng ating masipag na Mayor Gelo T. Devanadera ang magkaroon ng kaayusan at pagkakaisa sa ganitong mga samahan, hindi lamang bilang magkakapitbahay, ka-barangay kundi bilang magkababayan tungo sa pag-unlad at pagiging maayos ng isang kumunidad.