August 26, 2022: Dumalo at nakiisa ang ating lokal na pamahalaan sa Blessing at Inauguration ng bagong gusali ng MSEAF sa pangunguna ng ating minamahal na Vice-Mayor Teresita "Bunay" Villeno kasama ang SB Members kaninang umaga. Ang MSEAF ay itinatag sa bayan ng Sampaloc noong 1948 at ngayon nga ay nagdiriwang na ng kanilang ika-74 taong pagkakatatag sa ating bayan.