August 23, 2022: Isinagawa ang BPLS (Business Permits and Licensing System) Ceremonial Launching sa pangunguna ng ating masipag na Punongbayan Gelo T. Devanadera, kasama ang palaging katuwang ng ating punongbayan na si Vice-Mayor Teresita "Bunay" Villeno at ang Sangguniang Bayan Members. Lubos na nagpasasalamat ang ating Lokal na Pamahalaan sa programang hatid ng DICT Region IV-A sa pangunguna ni Dir. Chryl C. Ortega (DICT Regional Office Regions IV-A and IV-B Regional Director) kasama sina Dir. Ariel O. Iglesia, CESO III (DILG IV-A CALABARZON - Regional Director) at Dir. Julieta T. Tadiosa, CESO V (DTI Quezon - Provincial Director). Ang BPLS ay isang programa para mapadali ang pagpoproseso ng mga Business Permit dito sa ating bayan. Ang pagkakaroon ng ganitong Business Permits and Licensing System dito sa atin, ay isang sinyales ng pag-unlad ng ating bayan dahil sa pagsabay natin sa mga makabagong teknolohiya upang mapadali ang mga proseso sa pag-aapply ng business permit. Isa rin itong hakbang upang hindi mahuli ang ating bayan sa mga makabagong pamamaraan upang mapadali ang pagbibigay serbisyo na may mga kinalaman sa mga pagpoporoseso ng mga dokumento at iba pa.