August 24, 2022: Dahil ngayon ay Breastfeeding Awareness Month, ay isinagawa ang Breastfeeding Forum para sa mga Nanay/Ina na may mga sanggol. Ito ay upang bigyan sila ng sapat na kaalaman, kahalagahan at kabutihan ng naiidulot pag breastfeed ang kanilang mga sanggol mula ng ito ay kanilang isinilang. Ito ay pinangunahan ng Chairperson ng mga Kababaihan dito sa ating bayan na si Ma'am Joy Dizon Devanadera, Vice-Mayor Teresita Villeno, Coun. Elynor Puebla (Chairperson in Social Services and Health), Ma'am Annalyn Nantes (MGFPS Focal Person), Ma'am Mylene Gariguez (MSWDO), Ma'am Mildred G. Alzola Nurse-III at sa mga nagsilbing speaker sa Breastfeeding Forum na ito na sina Ma'am Zonnette B. Mancenido, Ma'am May Ladines at Ma'am Marvie Joy O. Salayo, RM RHM II. Dumalo rin ang ating masipag na Punongbayan Gelo T. Devanadera upang magbigay suporta sa mga ina na dumalo sa araw na ito.