August 30, 2022: Pinangunahan ng ating Punumbayan Gelo T. Devanadera ang isinagawang Dept. Heads Meeting kaninang umaga. Tinalakay sa pulong ang mga bagong programa at mga proyekto ng ating bayan. Isa sa mga tinalakay sa pagpupulong ay ang panukalang mga kalsada patungong Sitio Mainit, Barangay Apasan at patungo ng Kastila Lake, Barangay Caldong upang buksan ang mga lugar para sa pag-unlad ng turismo sa ating bayan.