August 31, 2022: Binisita ng ating minamahal na Punumbayan Gelo T. Devanadera kasama ang ibang mga kawani ng ating lokal na pamahalaan ang mga sirang daan/kalsada sa barangay Apasan, Barangay Mamala at Barangay Taquico upang maisama sa programang pang-imprastraktura ng ating bayan. Nais ng ating punumbayan ang maayos at ligtas na kalsada para sa lahat.