July 19, 2022: Nagkaroon ng Public Safety and Committee Meeting sa pangunguna ng ating butihing Mayor Gelo T. Devanadera. Kasama sa pagpupulong na ito ang MHRMO (Municipal Human Resource Management Office), MSWDO (Municipal Social Welfare and Development Office, MEO (Municipal Engineering Office), MDRRMO (Municipal Disaster Risk Reduction and Managemnt Office), RHU ( Rural Health Unit), Sampaloc Bureau of Fire Protection at PNP Sampaloc. Isinagawa ang pagpupulong na ito upang mapag-usapan ang mga plano upang mapaigting lalo ang mabilisang pagtugon sa anu mang sakuna o mga aksidente na nangyayari dito sa ating bayan. Kasama rin dito ang mga proyekto na gagawin upang maiwasan ang mga ganitong masamang pangyayari. Kasama rin dito ang pagkakasundo-sundo nila sa iisang layunin ng programang ito.