July 15, 2022: Sa pamamagitan ng ating masipag na Mayor Gelo T. Devandera kasama ang ating Vice Mayor Teresita "Bunay" Villeno at ang Sanguniang Bayan Members ay isinagawa ang TUPAD Payout katuwang ang DOLE Region IV-A sa pangunguna ni Sec. Bebot Bello. Lubos na nagpapasalamat ang ating Lokal na Pamahalaan sa DOLE Region IV-A at kay Senator Loren Legarda sa pagbibigay ng tulong panghanapbuhay para sa ating mga kababayan.