July 14, 2022: Isinagawa ang Seminar on Doing Business on Recovery Period "Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa" kasama ang ating Business Counselor Ma'am Rowena S. Magtibay at ang ating nagsilbing panauhing tagapagsalita na si Ma'am Marianne Adornado- DTI Quezon PPG staff. Dumalo rin sa Seminar na ito ang ating Municipal Administrator na si Sir Ric Dejelo bilang kinatawan ng ating butihing Mayor Gelo T. Devanadera at ng Sangguniang Bayan Members upang ipahatid ang suporta sa mga ganitong Seminar para sa ating mga negosyanteng kababayan na may mga negosyo at mga magsisimula palang magnegosyo.