July 5, 2022: Isinagawa kaninang umaga ang Groundbreaking Ceremony para sa construction ng Housing Project sa Brgy Bayongon sa pangunguna ng ating minamahal na Punumbayan Gelo T. Devanadera at Vice-mayor Bunay Villeno kasama sa kaganapan ang mga SB Members, Head of Offices at Punung Barangay Racquel Balitaan kasama ang mga opisyales ng Brgy Bayongon. Ang Tulung Pabahay Project ay isa mga proyekto na nasa ilalim ng programa ng ating punumbayan (G-CARE) katuwang ang Kooperatiba sa Pagpapaunlad ng Sampaloc Multi-Purpose Cooperative (KSPS-MPC) na ang layunin ay mabigyan ang lahat ng naninirahan sa ating bayan ng opurtunidad na magkaroon ng sariling tahanan.