February 7, 2022: Naging makabuluhan ang pagpupulong kahapon sa Adela National High School na pinangunahan ng ating Punumbayan Gelo T. Devanadera na dinaluhan ng LGU Sampaloc, Local Housing Coordinating Council, KSPS-MPC at ng mga magiging Benepisyaryo ng Pabahay sa Brgy. Bayongon. Tinalakay ng ating punumbayan ang mga detalye ng bagong programang pabahay ng ating lokal na pamahalaan. Ang kanyang hangarin na mabigyan ang lahat ng pamilyang Sampalukin ng pagkakataong magkaroon ng sariling tahanan.
Tinalakay naman ng Tagapamahala ng KSPS, Ma'am Lourdes B. Mancenido ang mga tuntunin at kundisyon sa pagbabayad sa naturang mga pabahay.

LATEST NEWS