February 8, 2022: Kinumusta ng Municipal Agriculture Office sa pamumuno ni Ma'am Emerlinda Balce ang mga magsasaka hinggil sa paglalason sa mga pumepeste sa kanilang mga pananim. Nag ulat rin ang lahat ng presidente ng asosasyon kung ano ang napag usapan sa pulong ng association na hawak nila.
Isa sa napag usapan ang gagawing mga activity para sa Araw ng Magsasaka sa buwan ng Mayo. Patuloy ang pag gabay at pag alalay ng ating butihing Mayor Gelo T. Devanadera sa mga kababayan nating magsasaka para sa kanilang pambukiring mga pangangailangan.

LATEST NEWS