December 13, 2021: Nagkaroon ng Deep Well Turnover sa Sitio Kapihan barangay Bataan sa pangunguna ng ating
masipag na Punumbayan Gelo T. Devanadera at ng mga kinatawan ng Sumitomo Heavy Industries Manufacturing & Services (SHIMS). Kasama rin sa isinagawang ito ang Sangguniang Bayan Members, Barangay Bataan Officials, MEO, MSWD at Engr. Earl S. Abeja. Lubos na nagpapasalamat ang mga taga Sitio Kapihan sa ating Lokal na pamahalaan at sa SHIMS sa malaking tulong na ito para sa kanila upang magkaroon ng malinis na tubig sa bawat tahanan sa lugar na ito.