December 13, 2021: Isinagawa ang pagbibigay ng pinansyal na tulong sa mga magpapalay sa ating bayan sa pamamagitan ng ating napakasipag at napakabait Cong. Mark Enverga na siyang Chairperson ng House Committee on Agriculture and Food. Ang pagaabot pinansyal ay pinangunahan ng ating butihing Punumbayan Gelo T. Devanadera, G. Melecio Ladines upang kumatawan sa ating congressman at ng mga kawani ng ating Municipal Agriculture Office. Dumalo sa kaganapan sina Bokal Jerry Talaga at Atty. Joana Suarez upang kumatawan sa ating Gov. Danilo Suarez na nagbigay naman ng Chicken Joy at pamasahe sa ating mga magsasaka ng palay at mga hog raisers na apektado ng ASF. Dumalo rin sa pagtitipon ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan at ang dating Punumbayan Naning Torres.