December 22, 2021: Isinagawa ang Inter Barangay Christmas League 2021 sa pangunguna ng Sangguniang Kabataan. Kasamang nakiisa at dumalo ang Sangguniang Bayan Members at mga Kapitan ng bawat Barangay dito sa ating bayan, upang magbigay suporta sa bawat manlalaro ng kanilang barangay na nasasakupan. Ang Inter Barangay Christmas League ay isa sa nais ng ating butihing Mayor Gelo T. Devanadera na isagawa upang bigyan muli ng sigla ang sports para sa mga kabataan dito sa atin. Ito ay isang hakbang upang magtuloy-tuloy muli ang mga ganitong aktibidad sa larangan ng sports para sa mga kabataan, at magkaroon muli ng mga bagong tuklas na magagaling na manlalaro dito sa atin.