December 23, 2021: Tumanggap ng 1000 Food Packs ang LGU Sampaloc, Quezon sa pangunguna ng ating butihing Punumbayan Gelo T. Devanadera kasama ang SB Members mula kay Atty. Caroline Cruz, Executive Director ng Pitmaster Foundation sa pamamagitan ni G. Anthony "Piwa" Lim ng Smile Party List. Kasama sa aktibidad sina Anacleto "Third" Alcala at BM Jerry Talaga.
Buong puso ang pasasalamat ng ating punumbayan sa Pitmaster Foundation/ Smile Party List sa pagkakaloob sa atin ng 1000 Food Packs at sa mga susunod pang biyayang mula sa kanila.