November 17, 2021: Training on Barangay Biosecurity Officers. Nagsanay sa pagiging Barangay Bio-security Officers (BBOs) ang mga Barangay Kagawad na nasa Komitiba ng Pagsasaka upang mabantayan at ma-protektahan ang kanilang nasasakupang barangay hinggil sa panganib na dulot ng African Swine Fever (ASF). Ang nasabing pag-sasanay ay kinakailangan din ng ating bayan upang mabigyan tayo ng ASF Free Certification ng sa gayon ay muling sumigla ang Swine Industry sa ating bayan. Ang nasabing pagsasanay ay pinagkaloob ng Office of the Provincial Vaterinarian (OPV) sa pakikipag-ugnayan ng ating lokal na Pamahalaan sa Pangunguna ng ating butihing Mayor Noel Angelo T. Devanadera gayon din sa ating SB Committee Chairman on Agriculture na si Kgg. Normady Encina at sa Tanggapan ng Pambayang
Pagsasaka sa pamamagitan ni Mam Emerlinda Balce at ng kanyang mga staff.