November 18, 2021: Pinangunahan ng ating butihing Mayor Gelo T. Devanadera ang pagpupulong kasama ang Municipal Agriculture Office, Sampaloc Bamboo Livelihood Association at ERDB (Ecosystems Research and Development Bureau). Tinalakay dito ang mga action plan at ano-ano ang pwedeng pagkakitaan ng mga mamamayan dito sa ating bayan gamit ang mga bamboo products. Nais ng ating Punongbayan na magkaroon ng magandang kabuhayan ang ating mga kababayan dito sa atin gamit ang produkto na dito na mismo makukuha sa ating bayan, kailangan lang ng dedikasyon at tiyaga ng bawat isa.