November 12, 2021: Sa inisyatiba ng ating Butihing Mayor Gelo T. Devanadera, SB Members at Municipal Agriculture Office ay isinagawa ang Araw ng Pagtatapos ng mga naging estudyante ng Quezon Agri- Eskwela, Organikong Pagtatanim ng Gulay. Katuwang ng ating LGU ang Office of the Provincial Agriculturist upang mapagtagumpayan ang programang ito, kaya lubos po ang pasasalamat ng mga nagsipagtapos lalo't higit ng aming lokal na pamahalaan sa inyong dedikasyon sa pagtuturo ng Organikong Pagtatanim ng Gulay.