November 11, 2021: Pinangunahan ng ating butihing Mayor Gelo T. Devanadera kasama ang SB Members,
ang distribution of Hair Iron & Hair Blower para sa mga miyembro ng LGBT dito sa ating bayan.
Ginawa ito ng ating Lokal na Pamahalaan upang maging tulong ito sa kanilang kinahihiligan at ginagawang
hanapbuhay. Ito ay ang pag aayos ng buhok, paggugupit at pagmemake-up sa mga kababaihan. Upang patunayan
ang kanilang galing sa larangan ng pagpapaganda, ay isinagawa rin sa araw na iyon ang program na "Day-Off ni Mamshie".
May mga kababaihan tayong naging representative ng bawat Barangay. Sila ay mga babae at ina ng tahanan na
binigyan natin ng Day-Off upang kahit isang araw man lang ay makapahinga sila at ma-appreciate nila ang kanilang
sarili. Isa rin ito sa paraan upang maisaisip nila na huwag nilang kalimutang alagaan ang sarili nila panloob
o panlabas. Lubos rin tayong nagpapasalamat sa ating naging guest speaker na si Maam Leona Paola Lopez
Founder, Chairperson of Quezon Province Pride sa suporta na kanyang ibinigay sa programang ito.