November 12, 2021: Isinagawa ang Groundbreaking Ceremony para sa Construction ng Deep Well sa Sitio Kapihan kaninang umaga sa Barangay Bataan sa pangunguna ng ating masipag na Punumbayan Gelo T. Devanadera at ng mga kinatawan ng Sumitomo Heavy Industries Manufacturing & Services (Philippines). Kasama rin sa aktibidad ang Sangguniang Bayan Members, Punong Barangay Edison Dayo, Barangay Bataan Officials at Engr. Earl S. Abeja. Ang Sitio Kapihan ang napiling lugar ng SHIMS na mabigyan ng pagkukunan ng malinis na tubig. Ang proyektong ito ng SHIMS ay bahagi ng taun-taong isinasagawang Corporate Social Responsibility (CSR) ng kanilang kompanya. Maraming salamat po sa SHIMS sa pagbibigay nila ng mga ganitong proyekto sa ating bayan at sana po ay masundan pa po ito.