August 11, 2021: Muling nagpapasalamat ang ating Punong Bayan Gelo T. Devanadera kasama ang SB Members, Municipal Agriculture Office at lahat ng Kawani ng bawat barangay dito sa ating bayan para sa Distribution of Fertilizer para sa mga Sampaluking Magsasaka sa pamamagitan ng ating Cong. Mark Enverga, Chairman, House Committee on Agriculture and Food. Binisita rin ang ating butihing Cong. Mark Enverga ang spillway ng Brgy. Taquico na isa sa kanyang mga proyekto. Nagbigay rin ng Mobile Rice Mill Machinery ang ating butihing Congressman para sa Barangay Banot upang makatulong ito sa mga magsasaka ng kanilang barangay.