August 16, 2021: Nilagdaan kaninang umaga ng mga kinatawan ng LGU Sampaloc, Quezon sa pangunguna ng ating butihing Punumbayan Gelo T. Devanadera at ng mga kinatawan ng DENR ang Memorandum Of Agreement para sa pagpapatupad ng Forest Land Use Plan sa ating bayan. Naantala ito ng halos isang taon dahil sa pandemyang ating kinakaharap. Mapalad ang ating bayan sa pagkakaroon natin ng 1,800 ektarya ng kagubatan at tubig-saluran na nasa Barangay Caldong at papamahalaan ng DENR at ng ating lokal na pamahalaan upang proteksyonan, paunlarin at ingatan upang makamit natin ang sustainable forest management at makapakinabangan ng mga susunod pang salinlahi ng mga Sampalukin.