July 27, 2021: Nagkaroon ng Seminar on Soap Making na pinangunahan ng masisipag na LGU KALIPI Officers lalot higit ang KALIPI Chairperson Mayora Joy Devanadera. Malaking pasasalamat sa lahat ng mga nag-participate sa paglalaan ng panahon at oras upang makilahok sa training na ito lalong lalo na sa ating guest speaker na si Maam Mary Grace Sia Llamas at sa kanyang mga kasama, na nagturo at nagbigay ng maraming idea sa pag gawa ng sabon at kung paano ito magiging daan upang gawing negosyo. Hindi dito nagtatapos ang mga programa ng KALIPI para sa mga KABABAIHANG SAMPALUKIN.Ang mga ganitong Livelihood Program ng KALIPI ay magtutuloy-tuloy upang lahat ng kababaihan dito sa ating Bayan ay magkaroon ng mapagkakakitan na hindi na kakailanganing umalis pa dito sa ating bayan. Ang ating butihing Mayor Gelo T. Devanadera ay palaging nakasuporta sa anumang magagandang programa para sa KALIPI Sampaloc.