July 26, 2021: Nagkaroon ng Libreng Anti-Rabies Vaccination para sa mga alagang aso at pusa. Ito ay pinangunahan ng Municipal Agriculture Office at sa suporta ng ating butihing Mayor Gelo T. Devanadera . Ito ay para maiwasan ang pagkakaroon ng rabies ng ating mga alagang aso at pusa. Maging responsable po tayong amo pabakunahan ang ating mga alaga at huwag hayaang pagala-gala.
May mga schedule po ang bawat Barangay para sa Anti-Rabies Vaccination.