July 24, 2021: Isinagawa ang Basic Leather Crafting Workshop na pinangunahan ng ating KALIPI Chairperson Mayora Joy Devanadera kasama ang LGU KALIPI Officers at mga participants ng bawat Barangay para sa training na ito. Hindi rin nawala sa araw na iyon ang ating butihing Mayor Gelo T. Devanadera na palaging natulong at nakasuporta sa lahat ng programa ng KALIPI. Isa ito sa programa ng ating Lokal na Pamahalaan upang mabigyan ng pagkakakitaan ang mga kababaihan dito sa ating bayan, at upang mas lumawak rin ang kanilang kaalaman sa iba't ibang hanap buhay na maari magsimula sa maliit hanggang sa mapalaki nila ito na ang mahalagang puhunan ay tiyaga at pagmamahal sa trabahong ginagawa. Sa training na ito ay lumabas ang pagiging malikhain ng mga kababaihang lumahok at lubos silang natuwa sa mga kinalabasan ng kanilang mga ginawa. Gumamit sila ng genuine leather sa pagsasanay na ito. Bawat isa sa kanila ay nakatanggap ng Basic Leather Crafting Kit na maaari nilang gamitin bilang panimula sa Leather Crafting. Umaasa ang ating Lokal na pamahalaan na hindi lang sa training na ito nagtatapos ang kanilang natutunan kundi ang maipagpatuloy nila ito dahil ito ay isang magandang negosyo na makakatulong sa kanilang pamumuhay, higit sa lahat ay sa kanilang pamilya. Lubos po kaming nagpapasalamat sa napakagaling na Trainer na si Maam Maria Cristina Dayrit at Maam Isabel Villaruz na matiyagang nagturo sa bawat isang participants upang kahit sa ilang oras lang na training ay uuwi silang siguradong maraming natutunan.
Maraming Salamat rin po sa mga participants ng bawat Barangay na nakiisa at lumahok sa pagsasanay na ito.