July 22, 2021: Matagumpay na naisagawa ang Ground Breaking Ceremony na ginanap kaninang umaga sa Barangay San Roque na pinangunahan ng ating butihing Punumbayan Gelo T. Devanadera at Punong Barangay Enrico T. Lebantino, kasama sa mga dumalo ang SB Members at Barangay Officials ng Barangay San Roque. Ang ginanap na ground breaking ceremony ay para sa mga gagawing project ng Barangay San Roque sa pakikipagtulungan ng ating lokal na pamahalaan.