March 24, 2021: Isinagawa ang Katipunan ng Kabataan Assembly at nagkaroon ng Youthtalk on Sexual, Reproductive Health and Adolescence sa pangunguna ng Social Welfare Development Office, Municipal Local Government Operations Officer (MLGOO), Rural Health Unit (RHU) at Sangguniang Kabataan. Tinalakay dito ang iba't ibang bagay upang maging isang responsableng Kabataan. Isa narin sa itinuro dito ang Reproductive Health upang matuto silang pahalagahan ang kanilang katawan at maiwasan ang early pregnancy at sa mga lalaki naman ay upang maiwasan na maging isang ama sa murang edad. Layunin ng ganitong programa na gabayan ang mga kabataan upang huwag silang maligaw ng landas at ituon ang kanilang oras sa pag-aaral at sa mga gawaing kapakipakinabang. Nagsalita rin ang ating Election Officer II upang ipaliwanag sa kanila ang edad na pwede ng magparehistro at kung ano-ano ang mga kakailanganing requirements sa mga magpaparehistro.

LATEST NEWS