April 1, 2021: Buong puso ang pasasalamat ng ating butihing Punumbayan Gelo T. Devanadera sa lahat ng tumulong at nakiisa, nagpagod at nagsakripisyo ng kanilang oras sa paghahanap sa batang si Tristan na ngayon ay nasa SMCH upang suriin ng doktor ang kanyang kondisyon. Ang taos pusong pasasalamat ng LGU Sampaloc ay ipinaabot sa PDRRMO na namuno sa buong team, MDRRMO na nangasiwa sa lahat ng pangangailangan ng mga rescuers, CPR-RIMT Rapid Rescue Rider, Exodus Search and Rescue, Kabalikat Elite, Tayabas Search and Rescue, at sa mga Brgy Alupay Officials na nagguide sa ating mga rescuers. Maraming-maraming salamat po.

LATEST NEWS