November 9, 2020: Maagap na rumesponde ang ating MDRRMO Rescue Team, BFP at mga volunteers sa pag-apaw ng tubig sa gasolinahan ni Mr. Eddie Dayo sa Sitio Greenhills, Barangay Bayongon. Nagkaroon ng landslide ang katabing lote ng Calmar na naging dahilan ng pagbaha sa katabing kalsada. Nagsagawa din ng monitoring ang ating MDRRMO Rescue Team upang matiyak na ang lahat ay ligtas sa biglang pagtaas ng tubig sa ating bayan.