March 29, 2021: Nagkaroon ng pagpupulong ang Sampaloc Young Farmers Federation Officers kaninang umaga sa pamumuno ng ating butihing Punumbayan Gelo T. Devanadera at ng ating Municipal Agriculture Officer Emy Balce.
Tinalakay sa pulong na ito ang mga magagandang plano para sa lahat ng miyembro ng Sampaloc Young Farmers.
Isa ito sa programa ng ating lokal na pamahalaan upang magkaroon ng malaking interest ang ating mga kabataan
sa larangan ng pagtatanim. Para rin sa pagdating ng panahon, anu man ang kanilang marating sa buhay
ay patuloy parin nilang madala ang mga kaalaman tungkol sa pagtatanim at ito ay kanila paring maisabuhay.

LATEST NEWS