Maikling Pulong at Food Packs Distribution sa Sitio Kapihan

May 20, 2020: Pina-alalahanan ng ating Punongbayan Gelo T. Devanadera ang mga taga Sitio Kapihan, Brgy. Bataan tungkol sa pag-iingat sa Covid19 at kung may mga kamag-anak silang nais umuwi ay makipag-ugnayan muna sa barangay officials upang mabigyan ng tamang proseso at hindi malagay sa peligro ang buong Sitio Kapihan. Ipinaliwaang din niya ang biyahe ng mga sasakyan ay magmumula sa check-point ng Sito Balugbog Baboy imbes na sa bayan sila sumakay at puede na rin silang pumara sa paguwi. Pagkatapos ng pulong ay namahagi ng food packs ang mga barangay officials sa mga residente ng Sitio Kapihan.