March 24, 2021: Nagtungo ang ating masipag na KALIPI Chairperson Mayora Joy Devanadera kasama ang walang kapagurang mga LGU KALIPI Officers sa Brgy. Taquico upang iparating at ihatid ang mga magagandang programa para sa lahat ng kababaihan dito sa ating bayan. Patuloy ang pagtulong ng ating butihing mayora kasama ang iba pang opisyales ng Kalipi upang hindi maputol ang Hanapbuhay sa Buli ng mga Sampaluking KALIPI. Layunin ng programang ito na matulungang mas mapataas pa ang kalidad ng mga produktong yari sa buli dito sa ating bayan, upang sa pagdating ng mga araw ay mas dumami pa ang mga taga ibang bayan na umangkat ng mga produktong yari sa buli dito sa ating bayan. Magbibigay rin ng libreng training ang KALIPI para sa kanila upang mataas ang kalidad ng mga productong yari sa buli. Nais ng ating Mayora na huwag mawala ang
paglalala ng buli dito sa ating bayan dahil isa ito sa tradisyong hanap buhay dito sa ating bayan na ang pangunahing material ay dito rin makukuha sa atin kaya dapat natin itong pagyamanin. Walang kababaihan ang maiiwan, kaya ang KALIPI ang ang aagapay para sabay-sabay ang maging progreso ng mga kababaihan dito sa atin sa pangkabuhayan man o pangkalusugan
Makialam, Makiisa, Makisali sa KALIPI Sampaloc, Quezon.

LATEST NEWS