Dahil wala pang vaccine sa African Swine Fever ay isinagawa ang depopulation or culling ng mga baboy sa Barangay Alupay sa pangunguna ng ating Municipal Agriculture Office, Brgy Alupay Officials, Office of the Provincial Veterinarian (OPV) at ng Bureau of Animal Industry (BAI) sa loob ng 500-meter radius mula sa lugar kung saan unang nagkaso ng ASF. Ang ganitong pamamaraan ay isinasagawa upang maiwasan ang malawakang pagkalat ng ASF dahil kung wala nang kakapitan ang virus ay tuluyan na itong maglalaho sa lugar. Nagsagawa rin ang team ng pagdi-disinfection sa mga kulungan ng mga baboy.