July 19, 2021: Nagkaroon ng pagpupulong ang LGU KALIPI Officers kasama ang ating masipag na KALIPI Chairperson Mayora Joy Devanadera. Kasama sa tinalakay sa pulong na ito ang mga programa at mga aktibidad na naglalayong ipagpatuloy. Isa sa mga ito ang mga training na nakahanda na para sa mga KALIPI dito sa bayan natin. Hindi hihinto ang ating Lokal na pamahalaan sa pag tulong na mabigyan ng kaalaman at magabayan ang mga kababaihan dito sa ating bayan upang magkaroon ng mapagkakakitaan at manatili itong tuloy-tuloy.