June 24, 2021: Isinagawa ang Turn-Over ng bagong Barangay Hall/Multi-Purpose Bldg. ng Barangay Bayongon kaninang umaga. Napakapalad ng mga bayan sa 1st District ng Quezon sa pagkakaroon natin ng napakabuti at napakasipag na Congressman Mark Enverga. Kaya naman ang ating butihing Punumbayan Gelo T. Devanadera, Barangay Captain Racquel Balitaan at mga kagawad ng Brgy Bayongon ay labis na natutuwa at nagpasasalamat sa ating masipag na Congressman Mark Enverga sa pagbibigay ng napakagandang Barangay Hall. Maraming salamat po Cong. Mark sa tuloy-tuloy na mga projects/program na ibinababa sa aming bayan.