July 5, 2021: Pinangunahan ng ating butihing Punumbayan Gelo T. Devanadera at Municipal Planning & Development Coordinator Ma'am Nimfa Abracia ang pagpupulong ng MDC na ginanap ngayong hapon. Isa sa mga tinalakay ng ating punumbayan ay ang pagbili ng mga heavy equipment na gagamitin sa pagbubukas ng mga ibat-ibang lugar para sa tuloy-tuloy ang pag-unlad sa maraming lugar dito sa ating bayan. Tinalakay din niya ang humigit-kumulang 30% na itataas ng Internal Revenue Allotment (IRA) ng bawat LGU dahil sa Mandanas-Garcia Ruling na magbibigay ng maraming oportunidad sa ating bayan.